Mga Proyektong
Modernisasyon ng
Los Angeles Refinery
Sinasamoderno Ngayon, Inihahanda para sa Kinabukasan
Ligtas na Paglalabas ng Maaasahan at Abot-kayang Halaga ng mga Fuel (Panggatong) sa Susuporta sa Seguridad ng Enerhiya sa California
Sa mahigit isang siglo nang gumagawa ng mga petrolyo ang Los Angeles Refinery na naging daan sa pag-usbong ng makabagong pamumuhay. Simula nang nakuha ng Marathon ang pasilidad noong 2018 - na kinabibilangan ng parehong lokasyon sa Carson at kalapit na Wilmington - ipinagmamalaki ng Marathon na patakbuhin ito nang may malinaw na misyon: ligtas na makapagbigay ng maaasahan at abot-kayang suplay ng petrolyo sa mga taga-California.
Bilang pinakamalaking refinery sa West Coast, ang Los Angeles Refinery ng Marathon ay gumagawa ng malinis na nasusunog na gasolina at disel na ginagamit sa buong estado, at jet fuel na ginagamit ng Los Angeles International Airport (LAX).
Habang patuloy ang pagsisikap ng California na balansehin ang kasalukuyan at hinaharap nitong mga pangangailangan sa enerhiya, mahalagang matiyak na ang Los Angeles Refinery ng Marathon ay tumatakbo nang mahusay at may kakayahang umangkop upang matugunan ang mga pangangailangan ng merkado.
Iyan ang dahilan kung bakit isinusulong ng Marathon ang mga Proyektong Modernisasyon ng Los Angeles Refinery, isang serye ng apat na magkakahiwalay na mga proyekto, na bawat isa ay dinisenyo upang matiyak ang patuloy na seguridad sa enerhiya at serbisyo para sa mga customer.
Ang mahahalagang pagpapabuting ito ay hindi magdudulot ng pagtaas sa pagproseso ng krudong langis, kundi magpapabago sa:
- Palitan ang mga kagamitang nasa dulo na ng kanilang kapaki-pakinabang na gamit
- Magbigay ng mga produktong aspalto upang matugunan ang pangangailangan ng lokal na merkado
- Maging may kakayahang umangkop upang maiayon ang produksyon ng petrolyo para sa transportasyon sa kasalukuyang pangangailangan ng merkado
- Pasulungin ang mas mabisang produksyon ng mas dekalidad na octane na kinakailangan para sa mas malinis na paghahalo ng gasolina
Ang Marathon ay nasa pinakaunang yugto pa lamang ng prosesong ito at kasalukuyang nagsusumite ng mga aplikasyon ng permit sa South Coast Air Quality Management District (South Coast AQMD), ang ahensyang nangangasiwa sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin sa South Coast Air Basin, para sa pag-apruba ng proyekto.
Upang matuto pa tungkol sa proyekto, bisitahin ang isa sa mga sumusunod na link:
Pangkalahatang-ideya ng mga Proyektong Pagsasamoderno ng Los Angeles Refinery
Tumanggap Ng Mga Update
Gusto mo bang manatiling may kaalaman sa mga pinakabagong impormasyon tungkol sa iminungkahing mga Proyekto sa Modernisasyon ng Los Angeles Refinery ng Marathon? Mag-sign up para sa talaan ng mga email ng Marathon!
Magbibigay ang Marathon ng regular na mga update sa mga pag-usad ng mahahalagang proyektong ito, na tumutulong upang matiyak ang maasahan at abot-kayang lokal na supply ng mga produktong petrolyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng merkado.