Mga Madalas Itinatanong

Kasalukuyang katayuan?
Sa kasalukuyan, inihahanda ng South Coast Air Quality Management District (South Coast AQMD) ang Notice of Preparation (NOP) para sa isang draft ng Environmental Impact Report (EIR) at Initial Study (IS) para sa mga Proyektong Modernisasyon ng Los Angeles Refinery.
Upang makaalam pa tungkol sa proseso ng California Environmental Quality Act (CEQA) at kung paano makibahagi, bisitahin ang page ng impormasyon sa Pagpapahintulot ng South Coast AQMD sa website na ito.
Upang mag-sign up para sa mga update mula sa South Coast AQMD, ma-sign up dito. (Pansinin: Nagbibigay ang link na ito para sa lahat ng aktibidad ng CEQA mula sa South Coast AQMD, hindi indibiwal na proyekto.)
Paano ito makakaapekto sa akin?
Sa Los Angeles Refinery, ang misyon ng Marathon ay ligtas na magbigay ng maaasahan at abot-kayang suplay ng mga fuel para sa transportasyon sa California.
Iyan ang dahilan kung bakit pinag-aaralan ng Marathon ang mga paraan upang mapabuti ang operasyon sa Los Angeles Refinery, upang matiyak na patuloy itong makakapaglingkod sa mga lokal na komunidad, mga pamilya, at sa buong estado, habang pinapaliit ang mga abala sa merkado na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa presyo ng mga presyo ng fuel.
Ano ang Notice of Preparation at Initial Study (NOPIS)?
Kagaya ng kinakailangan ng CEQA, naghanda ang South Coast AQMD ng NOP/IS para sa Ang paunawang ito ay paraan ng South Coast AQMD upang ipabatid sa komunidad na sila ay nagsasagawa ng pagsusuri sa mga iminungkahing proyekto ng modernisasyon at bumubuo ng isang pagsusuring pangkapaligiran alinsunod sa itinatakda ng California Environmental Quality Act (CEQA).
Anong mangyayari pagkatapos ng Notice of Preparation?
Isasagawa ng South Coast AQMD ang isang pagsusuring pangkapaligiran na kinabibilangan ng pagbuo ng draft na Environmental Impact Report (EIR), na kinakailangan bago maipagkaloob ang anumang mga permit.
Gaano katagal ang itatagal ng konstruksyon?
Kapag lubos nang nasuri ang proyekto at naipagkaloob na ang mga permit, saka pa lamang maaaring simulan ang konstruksyon. Bawat isa sa mga proyekto ay may kanya-kanyang iskedyul ng konstruksyon. Sa huli, hindi maaaring magsimula ang konstruksyon hangga’t hindi pa naipagkakaloob ng South Coast AQMD ang mga kinakailangang permit.
Mayroon bang mga epekto sa komunidad kaugnay ng konstruksyon?
Ang mga epekto ng konstruksyon para sa mga Proyektong Modernisasyon ng Los Angeles Refinery ay susuriin sa draft na EIR.
Ilang trabaho ang malilikha ng proyektong ito kung maaprubahan?
Ang konstruksiyon para sa mga Proyektong Modernisasyon ng Los Angeles Refinery ay inaasahang lilikha ng humigit-kumulang 1.1 milyong oras ng paggawa. Ang Marathon ay nakatuon sa paggamit ng mga lokal na bihasang manggagawa mula sa unyon bilang bahagi ng mga pagsisikap sa konstruksiyon.
Tumanggap Ng Mga Update
Gusto mo bang manatiling may kaalaman sa mga pinakabagong impormasyon tungkol sa iminungkahing mga Proyekto sa Modernisasyon ng Los Angeles Refinery ng Marathon? Mag-sign up para sa talaan ng mga email ng Marathon!
Magbibigay ang Marathon ng regular na mga update sa mga pag-usad ng mahahalagang proyektong ito, na tumutulong upang matiyak ang maasahan at abot-kayang lokal na supply ng mga produktong petrolyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng merkado.