Pagpapahintulot ng AQMD
Impormasyon sa Pagpapahintulot ng South Coast AQMD
Sa California, ang ilang proyekto ay nangangailangan ng pagsusuri ng isang ahensyang pampamahalaan sa mga epekto ng proyekto sa kapaligiran bago ito makapagdesisyon kung ito ay aaprubahan o hindi. Ang pagsusuring ito ay isinasagawa alinsunod sa California Environmental Quality Act (CEQA).Kasama sa proseso ang mga pagkakataon para sa pampublikong partisipasyon habang isinasagawa ang pagsusuri sa proyekto.
Para sa mungkahing mga Proyektong Modernisasyon ng Los Angeles Refinery ng Marathon, ang South Coast Air Quality Management District (South Coast AQMD) ang mangunguna sa CEQA process at magsasagawa ng isang Environmental Impact Report (EIR) para sa mga proyekto.
Nasaan na sa proseso ang proyekto?
Ang South Coast AQMD ay naghahanda ng isang Notice of Preparation (NOP) para sa draft Environmental Impact Report (EIR) at Initial Study (IS) para sa Modernisasyon ng Refinery ng Langis sa Los Angeles.
Nakatuon ang Marathon sa transparency, at nais naming gawing bukas at inklusibo hangga’t maaari ang prosesong ito. Mula sa paglalabas ng NOP/IS hanggang sa paglalathala ng pinal na EIR, nais ng Marathon na ang publiko ay manatiling may sapat na kaalaman sa buong proseso. Napakahalaga ng iyong opinyon sa prosesong ito.
Upang makatanggap ng update mula sa South Coast AQMD patungkol sa CEQA, mag-sign up here. (Pansinin: Nagbibigay ang link na ito para sa lahat ng aktibidad ng CEQA mula sa South Coast AQMD, hindi indibiwal na proyekto.)
Pangkalahatang Ideya ng EIR Process
Tumanggap Ng Mga Update
Gusto mo bang manatiling may kaalaman sa mga pinakabagong impormasyon tungkol sa iminungkahing mga Proyekto sa Modernisasyon ng Los Angeles Refinery ng Marathon? Mag-sign up para sa talaan ng mga email ng Marathon!
Magbibigay ang Marathon ng regular na mga update sa mga pag-usad ng mahahalagang proyektong ito, na tumutulong upang matiyak ang maasahan at abot-kayang lokal na supply ng mga produktong petrolyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng merkado.